Papalapit na ang Deadline ng Paligsahan sa Poster

2011 Arbor Week 3rd grade poster contest winnerAng mga mag-aaral sa ikatlo, ikaapat, at ikalimang baitang sa buong California ay iniimbitahan na lumahok sa Paligsahan sa Poster ng California Arbor Week ngayong taon. Ang paligsahan sa taong ito, ang “Growing Happy Communities” ay idinisenyo upang madagdagan ang kaalaman sa mahahalagang tungkulin ng mga puno at ang maraming benepisyong ibinibigay nito sa ating mga komunidad.

Ang mga entry ay dapat matanggap bago ang Pebrero 1, 2012 upang maisaalang-alang. Para makuha ang poster contest packet na may kasamang mga lesson plan at lahat ng panuntunan sa poster contest, mag-click dito.